{"id":10482,"date":"2025-07-24T19:05:24","date_gmt":"2025-07-24T11:05:24","guid":{"rendered":"https:\/\/zestmag.com\/online\/?p=10482"},"modified":"2025-07-24T19:05:25","modified_gmt":"2025-07-24T11:05:25","slug":"100-young-changemakers-empowered-to-drive-social-impact-across-asean-in-eyaa-cohort-5","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/zestmag.com\/online\/100-young-changemakers-empowered-to-drive-social-impact-across-asean-in-eyaa-cohort-5\/","title":{"rendered":"100 Young changemakers empowered to drive social impact across ASEAN in eYAA: Cohort 5"},"content":{"rendered":"\n<p><em><strong>Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Araw ng ASEAN sa darating na 8 Agosto 2025, opisyal na sinalubong ng Maybank Foundation at ASEAN Foundation ang 100 kabataang boluntaryo at 10 na kinatawan mula sa mga organisasyong pang-lipunan (CSOs) at mga social enterprise (SEs) sa buong Timog-Silangang Asya sa Pagbubukas ng Regional Capacity Building Workshop para sa eMpowering Youths Across ASEAN (eYAA): Cohort 5 na ginanap sa Chulalongkorn University sa Bangkok, Thailand.<\/strong><\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Ang 100 napiling kabataang boluntaryo, may edad 19 hanggang 35, ay nagmula sa sampung Miyembrong Bansa ng ASEAN, at dala-dala nila ang iba\u2019t-ibang pinagmulan at karanasan, sariwang pananaw, at masigasig na diwa ng bolunterismo. Sila ay ipinares sa mga lokal na CSOs at SEs na pinili batay sa kanilang malalim na kaalaman sa mga hamon sa kani-kanilang komunidad at kakayahang gabayan ang mga proyekto ng kabataan sa aktwal na pagpapatupad.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Idinaos mula 20 hanggang 23 Hulyo, ang workshop ay nagtipon sa mga masisigasig na kabataang tagapagbago at ang kanilang mga katuwang na CSOs\/SEs upang tapusin ang pagpaplano sa 10 mga proyekto na nakabatay sa komunidad na ipatutupad sa Cambodia, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand, at Viet Nam-ang pinakabagong bansang kalahok sa programa. Bilang karugtong ng online na pagkatuto, ang apat na araw na regional workshop ay nagsilbing mahalagang espasyo upang mas pinuhin ang kanilang proyekto para sa komunidad, matuto mula sa mga eksperto at alumni, at paigtingin ang kanilang kakayahan sa kolaborasyon bilang paghahanda sa may kabuluhan at pangmatagalang epekto sa mga komunidad na kanilang paglilingkuran.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Sa kanyang pambungad na pananalita, sinabi ni Tan Sri Dato&#8217; Sri Ir. Zamzamzairani Mohd Isa, Tagapangulo ng Maybank Group at Maybank Foundation: \u201cAng Maybank, sa pamamagitan ng eYAA programme at pakikipagtulungan sa ASEAN Foundation, ay nananatiling tapat sa layuning itaguyod ang panlipunang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagbibigay-lakas sa mga kabataang tagapagbago upang makalikha ng tunay na epekto, palakasin ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, at makapagtayo ng mas inklusibo at matatag na komunidad sa ASEAN. Buo ang aming paniniwala na kapag nabigyan ng tamang kagamitan, ang kabataan ay magiging makabuluhang puwersa para sa pag-unlad. Ang lakas ng kabataan ay nasa hindi lamang sa paggawa ng magaling, kundi pati sa pagtuklas<\/em> <em>ng kanilang buong potensyal at tapang upang makamit ang makabuluhang tagumpay para sa kinabukasan.\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cLubos kaming nasasabik na ipagpatuloy ang paglalakbay na ito kasama ang Maybank Foundation,\u201d pahayag ni Dr. Piti Srisangnam, Executive Director ng ASEAN Foundation.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cAng programang ito ay paalala na ang kabataan ay hindi lamang mga pinuno ng hinaharap\u2014sila ay aktibong tagapagbago sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng eYAA, tayo ay gumagawa ng konkretong hakbang patungo sa pagkamit ng ASEAN Community Vision 2045\u2014isang rehiyon kung saan ang kabataan ang nasa sentro ng paghubog ng mas inklusibo, makabago, at matatag na Timog-Silangang Asya.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Ang 10 mga proyekto na nakabatay sa komunidad ay idinisenyo upang tumugon sa mga lokal na pangangailangan sa mga piling bansa sa ASEAN at nakatuon sa apat na pangunahing larangan: pagbubuo ng komunidad, sining at kultura, pagkakaibang pangkalikasan, at edukasyon. Ang bawat koponan ay makatatanggap ng hanggang USD 25,000 na grant support, at ang mga lokal na CSO at SE ang gaganap ng mahalagang papel sa tagumpay ng mga proyekto.<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-full\"><a href=\"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN1.jpg\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"864\" height=\"486\" src=\"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN1.jpg\" alt=\"\" class=\"wp-image-10484\" srcset=\"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN1.jpg 864w, https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN1-300x169.jpg 300w, https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN1-768x432.jpg 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 864px) 100vw, 864px\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>\n\n\n<p><\/p>\n\n\n\n<p><em>Bilang bahagi ng Cohort 5, susuportahan ng mga youth volunteer ang proyektong \u201cPaaralang Bukas Kalikasan\u201d ng Curma Group Inc. sa La Union, Pilipinas. Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman sa kapaligiran at itaguyod ang kultura ng pangmatagalang pangangalaga ng karagatan sa mga baybaying pamayanan. Sa mga lugar kung saan limitado ang acess ng mga pamilya sa impormasyon at mapagkukunan para sa marine protection, patuloy ang mga hamon gaya ng labis na pangingisda, polusyon sa plastik, at pamamahala ng basura. Ginagawang mga experiential learning space ang mga lokal na dalampasigan at paaralan, kung saan aktibong kalahok ang mga estudyante, guro, at miyembro ng komunidad sa edukasyong pangkalikasan. Ipinapatupad ito sa mahahalagang lokasyon gaya ng CURMA Center at limang pampublikong high school, na direktang nakikinabang sa 50 kabataang ambassador at higit sa 1,000 indibidwal, at umaabot sa karagdagang 2,000 miyembro ng mga katutubong baybaying komunidad. Sa pamamagitan ng holistic approach na ito, binibigyang kapangyarihan ang mga lokal na kabataan bilang tagapangalaga ng kalikasan at hinihikayat ang mga komunidad na maglunsad ng kolektibong aksyon para sa pangmatagalang pangangalaga sa yamang-dagat.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Isa pang inisyatiba, ang \u201cProject Digital Horizon\u201d ng Espoir School of Life Inc., ay isinasagawa sa Siargao Island, Surigao Del Norte. Layunin ng proyektong ito na magdala ng solar-powered na teknolohiyang pang-edukasyon sa mga lokal na paaralan sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga E-Library, na nagbibigay sa mga mag-aaral ng access sa malawak na koleksyon ng mga digital na aklat, interactive modules, at AI-assisted na mga programa sa literasiya. Sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kalidad ng kagamitan sa pagkatuto at pagsuporta sa mga guro gamit ang modernong resources, layunin ng proyekto na dagdagan ang kasalukuyang pamamaraan ng pagtuturo at itaguyod ang inklusibong edukasyon. Direktang makikinabang dito ang 300 mag-aaral, 20 guro, 10 youth volunteer, at 200 miyembro ng komunidad sa mga pangunahing lugar gaya ng Barangay Jamoyaon at Barangay San Jose Day Care Center. Tinatayang 700 iba pa, kabilang ang mga pamilya ng mga mag-aaral at karatig na mga residente, ang inaasahang makikinabang nang hindi tuwiran. Sa pagsasanib ng renewable energy at digital innovation, nakatutulong ang Project Digital Horizon sa pagpapalawak ng oportunidad sa pagkatuto at pagtataguyod ng pantay-pantay na edukasyon sa mga liblib na lugar.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Dumalo sa Regional Capacity Building Workshop ng eYAA: Cohort 5 sina Kgg. na Dr. Lalivan Karnchanachari, Pangalawang Ministro para sa Ugnayang Panlabas ng Kaharian ng Thailand; Assistant Professor Dr. Sineenat Sermcheep, Executive Director ng ASEAN Studies Centre; Kgg. San Lwin, Deputy Secretary-General (DSG) ng ASEAN para sa ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC); Kgg. Amb. Sitsangkhom Sisaketh, Tagapangulo ng Board of Trustees ng ASEAN Foundation at Permanent Representative ng Lao PDR sa ASEAN; Kgg. Amb. Sarah Al Bakri Devadason, Permanent Representative ng Malaysia sa ASEAN; Kgg. Amb. Phantipha Iamsudha Ekarohit, Permanent Mission ng Kaharian ng Thailand sa ASEAN; Tan Sri Dato&#8217; Sri Ir. Zamzamzairani Mohd Isa, Tagapangulo ng Maybank Group at Maybank Foundation; Datuk R. Karunakaran, Board of Trustees ng Maybank; Puan Mazhatulshima Mohd Zahid, Group Chief Human Capital Officer ng Maybank; Shahril Azuar Jimin, Group Chief Sustainability Officer ng Maybank; Izlyn Ramli, Chief Executive Officer ng Maybank Foundation; Surin Segar, Head, Group Tax at CFO ng Maybank Foundation; Dr. Areepong Bhoocha-Oom, Tagapangulo ng Maybank Securities Thailand; Henry Koh Swee Ong, Chief Operating Officer ng Maybank Securities Thailand; at Dr. Piti Srisangnam, Executive Director ng ASEAN Foundation.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Pagkatapos ng workshop, tutungo ang mga youth volunteer sa kanilang mga nakatalagang lugar ng proyekto\u2014sampung komunidad sa anim na bansa ng ASEAN. Sa loob ng dalawang linggo, maninirahan at makikipagtulungan sila sa mga lokal na komunidad upang sama-samang bumuo ng mga solusyon at makapagtatag ng matibay na ugnayan na nagpapatibay sa pagkakaisa ng ASEAN mula sa pinaka-ugat.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Mula nang ilunsad noong 2018, ang eYAA programme ay nakapagbigay-kapangyarihan sa 382 youth volunteer, nakapagtupad ng 40 makabuluhang community project, at positibong nakaapekto sa mahigit 89,000 indibidwal sa buong rehiyon. Taun-taon, patuloy na lumalawak ang saklaw at kabuluhan ng programa, at ngayong taon, sa pagsali ng Viet Nam bilang bagong bansang kalahok, patuloy nitong pinalalalim ang epekto kung saan ito pinaka-kailangan.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Halimbawa, si Zulfikar Dabby Anwar, isang alumnus ng Cohort 4, ay dating tumulong sa isang inisyatiba sa pamamahala ng mga basura sa panahon ng kanyang panunungkulan sa Kuching, Sarawak, Malaysia. Sa kasalukuyan, isa na siyang kinatawan ng CSO sa isang proyekto ng Cohort 5. Ipinapakita ng kanyang karanasan ang kongkretong epekto ng eYAA sa pagbibigay kapangyarihan sa kabataan upang pamunuan ang mga proyekto para sa pangmatagalang pag-unlad ng komunidad, habang pinalalakas din ang pakikipagtulungan sa iba\u2019t ibang stakeholder sa buong rehiyon.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Sa pinakapundasyon nito, ang eYAA ay isang nakasentro sa tao na inisyatiba na tuwirang nakakatulong sa pagsasakatuparan ng ASEAN Socio-Cultural Community Blueprint 2025, partikular sa pagbuo ng isang mas inklusibo, sustenable, at matatag na Komunidad ng ASEAN. Sa pagbibigay ng tamang kasangkapan, karanasan, at koneksyon sa mga kabataan upang pamunuan ang pagbabago, inilalagay ng programa ang kabataang ASEAN bilang pangunahing tagapagtaguyod ng sustainable development at pagkakaisang panrehiyon.<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-full\"><a href=\"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN2.jpg\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"864\" height=\"486\" src=\"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN2.jpg\" alt=\"\" class=\"wp-image-10485\" srcset=\"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN2.jpg 864w, https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN2-300x169.jpg 300w, https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/ASEAN2-768x432.jpg 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 864px) 100vw, 864px\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>\n\n\n<p><\/p>\n\n\n\n<p><em>Ang sama-samang pananaw na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng ASEAN Foundation at Maybank, sa pamamagitan ng Maybank Foundation. Sa pagsuporta sa eYAA, muling pinagtitibay ng Maybank Foundation ang kanilang pangako sa sustainability at inklusibong pag-unlad, habang nagbibigay ng makabuluhang plataporma upang hubugin ang mga kabataang lider na handang tugunan ang mga suliraning panlipunan at pangkaunlaran sa buong rehiyon. Ang inisyatiba ay nakahanay rin sa misyon ng Maybank na \u201chumanise financial services\u201d at isa sa kanilang apat na pangunahing sustainability commitments: ang mapabuti ang buhay ng dalawang milyong kabahayan sa buong ASEAN pagsapit ng 2025.<\/em><\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><em>Tungkol sa ASEAN Foundation<\/em><em><\/em><\/h2>\n\n\n\n<p><em>Tatlong dekada matapos itatag ang ASEAN, kinilala ng mga pinuno ng rehiyon na nananatili pa rin ang kakulangan sa pantay-pantay na kaunlaran, kamalayan tungkol sa ASEAN, at ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan ng mga bansang kasapi. Dahil sa pangambang ito, itinatag ng mga lider ng ASEAN ang ASEAN Foundation sa ika-30 Anibersaryong Pagdiriwang ng ASEAN noong 15 Disyembre 1997 sa Kuala Lumpur, Malaysia.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Ang ASEAN Foundation ay isang organisasyong mula sa mamamayan ng ASEAN at para sa kanila. Umiiral ang Foundation dahil sa isang layunin: ang makabuo ng isang nagkakaisa at maunlad na Komunidad ng ASEAN. Bilang isang opisyal na katawan ng ASEAN, tungkulin ng Foundation na isulong ang kamalayan, pagkakakilanlan, ugnayan, at kaunlaran ng mga mamamayan sa rehiyon.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: <a href=\"http:\/\/www.aseanfoundation.org\/\">www.aseanfoundation.org<\/a>.<\/em><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Araw ng ASEAN sa darating na 8 Agosto 2025, opisyal na sinalubong ng Maybank Foundation at ASEAN Foundation ang 100 kabataang boluntaryo at 10 na kinatawan mula sa mga organisasyong pang-lipunan (CSOs) at mga social enterprise (SEs) sa buong Timog-Silangang Asya sa Pagbubukas ng Regional Capacity Building Workshop para sa [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":3,"featured_media":10483,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[16],"tags":[220,2511,2512],"class_list":["post-10482","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-product-showcase","tag-corporate-social-responsibility","tag-maybank","tag-maybank-foundation"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/10482","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/users\/3"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=10482"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/10482\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":10486,"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/10482\/revisions\/10486"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/media\/10483"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=10482"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=10482"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/zestmag.com\/online\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=10482"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}